Tuesday, September 3, 2019

Filipino: Wikang Dapat Pagyamanin


            Agusto, alam naman nating lahat kung ano ang meron sa buwan na ito. Buwan na kung saan wikang Filipino ay pinapahalagahan. Ang wikang siyang nagbubuklod sa mga mamamayang Pilipino saan mang dako ng mundo upang sila’y maging isa sa kanilang diwa, pangarap, at kalsadang tinutugpa.
Image result for wikang filipino gif
            Napakahalaga ang pagkakaroon ng Pambansang Wika dahil ito ang nagsisilbing daan upang magkaintindihan ang mga tao na nakatira o tumira sa isang bansa. Ito ay magsisilbing sasakyan para sa pagpapahayag ng mga tao ng kanilang opinion, saloobin, at hinanaing. Ito rin ay tumutulong sa pagpapanatiling kultura, sining, at ang pagkabansa ng isang bansa.
            Nakakalungkot lamang na isipin na minsan, mas napapahalagahan ng iba ang wikang banyaga kaysa ang ating sariling wika. Mas nahihikayat silang aralin ang wika ng iba kahit hindi pa kabisado ang Wikang Pambansa. Isa itong malakas na sampal ng realidad sa atin. Maraming Pilipino pa rin ang nalilitosa “ng” at “nang”. Hindi alam kung kalian gagamitin ang “din” at “rin” at “daw” at “raw”. Tapos may mga umuugong na balitang matatanggal ang asignaturang Filipino sa College? Hindi mapag-aaralan ng isang tao ang wika ng iba kung sa sariling wika niya ay hindi siya bihasa.
            Ika nga ni Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala”.


Source: https://www.google.com/url?sa=i&source=images&cd=&ved=2ahUKEwjB37jFmrTkAhXaA4gKHbGFBPMQjRx6BAgBEAQ&url=https%3A%2F%2Ffoodieforxzyrha.wordpress.com%2F2017%2F02%2F27%2F10-malalim-na-salitang-tagalog%2F&psig=AOvVaw3b5hHIkwGKDhz-nPx1bxJ7&ust=1567584787327372




No comments:

Post a Comment

Remembrance

          School is a place where we can learn a lot of things that we could apply in our daily lives. It is where a person usually grows in...